-- ADVERTISEMENT --
Bumaba ang FIBA ranking ng Gilas Pilipinas matapos ang bigo nilang kampanya sa nagdaang FIBA Asia Cup na ginanap sa Saudi Arabia.
Sa inilabas na ranking ng FIBA ay nasa pang-37 na ngayon ang national basketball team ng bansa.
Mula kasi noong Nobyembre ng nakaraang taon ay nasa ranked 34 ang Gilas Pilipinas ng talunin nila ang New Zealand na ginanap as Pilipinas sa second window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.
Maguugnitang sa torneo na ginanap sa Saudi Arabia ay natalo ang Gilas sa Chinese Taipei at New Zealand bago sila nagwagi laban sa Iraq para makapasok sa qualification ng quarterfinals game.