-- ADVERTISEMENT --

Kumawala mula sa mabigat na first half ang Germany at umiskor ng late comeback upang talunin ang Ivory Coast, 2-1, sa nagpapatuloy na World Cup competition.

Matagal na na-outplay ang Germany sa unang bahagi ng laban at naiwan pa sa iskor matapos ang goal ni Franck Kessie sa ika-10 minuto ng laro paara sa Ivory Coast.

Sa kabila ng kontrol ng kalaban sa possession at tempo, nanatiling buhay ang Germany hanggang sa second half kung saan nagsimulang gumalaw ang bench strength ni coach Julian Nagelsmann. Pinasok ang ilang fresh players, kabilang si Deniz Undav, at dito unti-unting nagbago ang direksyon ng laro.

Nagpakita ng agarang epekto si Undav nang makapantay sa ika-68 minuto matapos ang long pass ni Nadiem Amiri, bago tuluyang tapusin ang comeback sa stoppage time sa isang clinical finish mula sa assist ni Felix Nmecha.

Dahil sa dalawang goals ni Undav, nakuha ng Germany ang mahalagang panalo at kinumpirma ang kanilang puwesto sa knockout stage.

-- ADVERTISEMENT --

Aminado ang German camp na hindi naging madali ang laban, ngunit binigyang-diin ang character at depth ng squad na nagbigay ng panalo kahit galing sa bench ang naging game-changer.

Ang resulta ay nagpalawig pa sa impressive run ng Germany, na patuloy na nagpapakita ng consistency sa kanilang kampanya matapos ang mga nakaraang World Cup disappointments.

Para sa Ivory Coast, nauwi sa sayang na pagkakataon ang maagang kalamangan habang bigo pa rin silang makuha ang unang knockout stage qualification sa kasaysayan ng kanilang kampanya.