Pumanaw na si Four-time NBA All-Star Michael Ray Richardson sa edad na 70.
Sinabi ng kaniyang abogado at kaibigan na si John Zelbst na namayapa ang basketbolista sa kaniyang bahay sa Lawton, Houston dahil sa prostate cancer.
Naging manlalaro ito ng University of Montana bago napili ng New York Knicks.
Matapos ang walong taon ay lumipat ito sa Golden State Warriors at New Jersey Nets.
Nakamit nito ang four All-Star selection at nanguna sa NBA sa dami ng steals ng tatlong beses.
Pinatawan ito ng ban dahil sa paglabag sa paggamit ng iligal na droga noong 1986.
Matapos ang paglalaro nito sa NBA ay naglaro din ito sa Continental Basketball Association at naglaro din ito sa bansang France at Italy.
Nagretiro ito sa paglalaro noong 2002 matapos ang paglalaro sa AC Golfe-Juan-Vallauris ng France.











