-- ADVERTISEMENT --

Nahanay sa matinding koponan ang Philippine Women’s National Football Team para sa AFC Women’s Asia Cup 2026.

Sa ginawang draw ng FIFA ay nasa Group A ang Filipinas football team.

Kahanay nila ang world number 15 na Australia, world number 21 na Korea Republic at world number 68 na Iran.

Noong 2022 kais ay naging runner ang Korea Republic matapos na talunin nila ang Pilipinas sa semifinals.

Tinalo din ng Korea ang Australia sa quarterfinal round.

-- ADVERTISEMENT --

Ito rin ang unang pagsabak ng Iran sa torneo matapos mamayagpag sa Group G sa qualifiers.

Nasa Group B naman ang defending champion at world number 17 na China kasama nila ang number 9 na DPR Korea, Bagladesh at Uzbekistan.

Habang sa Group C ay binubuo ng world number 7 na Japan, world number 37 na Vietnam, Chinese Taipei at India.

Bilang host ay magiging top seed ang Australia habang ang ibang seeding ay iaanunsiyo ng FIFA sa paglabas nila ng rankings.

Ang tatlong group winners, runner-ups at dalawang best third place team ay pasok na sa knockout stage o quarterfinals.

Ang top 6 ranked teams sa katapusan ng torneo ay kuwalipikado direkta sa 2027 FIFA Women’s World Cup sa Brazil habagn ang pang-pito at pang-walong koponan ay makakatanggap ng indirect slot.

Magkakaroon din ng dalawang playoff match sa mga talunan na koponan sa quarterfinals kung saan ang dalawang mananalo ay direktang kwalipikado sa Women’s World Cup.

Ang losing team ay magrerepresenta sa Asya sa intercontinental playoff matches.

Maghaharap ang Filipinas at Australia sa Marso 1, 2026 sa Perth Stadium.

Ang AFC Women’s Asian Cup ay nakatakdang ganapin mula Marso 1 hanggang 21 sa Australia.