-- ADVERTISEMENT --
Hindi pinaporma ng Philippine women’s national football team ang Hong Kong 2-0 sa 2026 Asian Games sa Aichi-Nagoya , Japan.
Unang nakapagtala ng goal ay si Skye Lech sa loob ng 12 minuto.Pangkalahatang Sanggunian
Habang naipasok naman ni Mallie Ramirez ang ikalawang goal sa loob ng 63 minuto ng laro.
Pinilit ng Hong Kong na makapagtala ng goal subalit naging mahigpit ang depensa ng Filipinas.
Mayroon ng apat na puntos ang Filipinas kung saan sila na ang nasa pangalawang puwesto sa Group G.
-- ADVERTISEMENT --
Dahil dito ay mas malakas pa ang tsansa nila na makapasok sa knockout stage.
Susunod na makakaharap ng Filipinas ay ang 2022 Asian Games bronze medalist na China.











