-- ADVERTISEMENT --

Labis na paghahand ang ginawa ngayon ng Philippine Women’s Football team na Filipinas para makapasok sa 2027 FIFA Women’s World Cup sa Brazil.

Makakaharap kasi nila ngayong araw ang Uzbekistan sa laro na gaganapin sa Gold Coast, Queensland, Australia.

Sa pagsisimula kasi ng torneo ay mayroong dalawang talo na ang Filipinas bago ang 6-0 na panalo laban sa Malaysia kaya sila nakapasok sa knockout stage.

Tiwala naman si Filipinas head coach Mark Torcaso na ang karanasan ng koponan sa nagdaang Southeast Asian Games sa Thailand ay siyang magdadala sa kanila para makapaglaro sa World Cup.

Ang kaniyang mga manlalaro ay pinaghalong beterano mula sa World Cup at mga batang manlalaro kaya naniniwala itong matatalo nila ang Uzbekistan.

-- ADVERTISEMENT --