-- ADVERTISEMENT --

Nagtapos sa ikaanim na puwesto ang Philippine women’s artistic gymnastics team sa team final ng 2026 Asian Games na ginanap sa Nagoya General Gymnasium sa Japan, matapos makapagtala ang kupunan ng Pilipinas ng kabuuang 147.763 points sa kompetisyong nilahukan ng walong bansa.
Pinangunahan nina Haylee Garcia, Lauren Suppnet, Kylee Ann Kvamme, Chiara Dawn Andrew, at Levi Ruivivar ang kampanya ng Pilipinas, kung saan ipinakita ng koponan ang matatag na performance sa apat na apparatus.

Pinakamataas na puntos ng Filipina squad ang kanilang nakuha sa vault na may 38.900 habang nagtala naman sila ng 37.499 sa balance beam, 36.132 sa floor exercise, at 35.232 sa uneven bars.

Samantala, nasungkit ng China, ang gintong medalya matapos magtala ng napakataas na kabuuang 166.462, kabilang sa championship-winning Chinese squad sina Du Siyu, Ke Qinqin, Zhang Qingying, Zhang Yihan, at Qui Quiyuan

Nakuha naman ng host nation na Japan ang silver matapos magtala ng 165.362 points, habang Democratric People’s Republic Korea ang nag-uwi ng bronze medal sa iskor na 158.329.

Habang nasungkit naman ng Republic of Korea at Malaysia ang ikalaming puwesto.

-- ADVERTISEMENT --