-- ADVERTISEMENT --

Naglabas ng desisyon ang federal judge sa California na ang pagpapakalat ni US President Donald Trump ng mga National Guard sa Los Angeles ay iligal.

Sa desisyon ni US District Judge Charles Breyer na nilabag ni Trump ang Posse Comitatus Act kung saan naglilimita sa kapangyarihan ng federal government na gumamit ng puwersa ng military para domestic na usapin.

Ang nasabing ruling ay hindi pa maipapatupad hanggang Setyembre 12 kung saan inaasahan na iaapila ito ni Trump.

Una ng sinabi Trump na ang pagpapakalat ng mga National Guard ay para labanan ang krimen sa Los Angeles.