-- ADVERTISEMENT --

Napigilan ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang tangkang paghahasik ng terorismo sa New Years Eve sa Los Angeles.

Apat na miyembro umano ng Turtle Island Liberation Front na isan pro-Palestinian at anti-government group ang kanilang naaresto sa pagpaplano ng coordinated na pamomomba.

Ayon sa FBI na mayroong limang lugar sa southern California ang target ng nasabing grupo.

Naaresto ang mga suspek habang pabiyahe sa disyerto ng Los Angeles para isagawa ng testing ng kanilang ginawang improvised explosive device.

Patuloy ang ginagawang pagtukoy ng FBI sa ibang mga kasamahan ng mga naarestong suspek.

-- ADVERTISEMENT --