Nagpahayag ng pagtigil sa paglalaro sa Gilas Pilipinas si June Mar Fajardo.
Ayon sa 35-anyos na PBA star na marami na ngayong mas batang manlalaro ang nararapat na magdala ng bandila ng bansa sa mga international games.
Ilan sa mga tinukoy nito ay si Quentin Millora-Brown na makakasama rin niya sa FIBA Basketball World Cup Asian Qualifiers.
Nandiyan din aniya sina Kai Sotto, AJ Edu, Kevin Quiambao, Dwight Ramos at Carl Tamayo na mga batang manlalaro ng Gilas Pilipinas.
Mahalaga aniya na sanayin na ang mga mas bata at matatangkad na manlalaro para mangibabaw ang Gilas sa anumang basketball game sa labas ng bansa.
Sa darating na Nobyembre 28 ay magtutungo ang Gilas sa Guam para sa first Window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers kung saan sa Disyembre 1 naman dito gaganapin ang laro nila kontra Guam.











