-- ADVERTISEMENT --
Sumali na si dating Vice President at ngayon ay Naga City Mayor Leni Robredo sa grupong Mayors for Good Governance (M4GG).
Ang grupo ng mga alkalde na lumalaban sa lahat ng uri ng kurapsyon.
Kasabay nitong sumanib sa grupo sina Valenzueal City Mayor Wes Gatchalian, Iloilo City Mayor Raisa Trenas; Talavera, Nueva Ecija Mayor Aries Lim at 40 iba pa.
Ayon sa M4GG na kabilang si Robredo sa unang batch ng 2025-2028 na nagsusulong na mapanagot at magkaroon ng transparency sa gobyerno.