-- ADVERTISEMENT --

Mariing pinabulaanan ni dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez ang mga lumabas na ulat na nagsasabing may kaugnayan umano siya sa Maharlika Investment Fund.

Sa isang opisyal na pahayag, sinabi ni Romualdez na sumusuporta siya sa Maharlika Investment Corporation (MIC) sa ganap na pagtutol sa mga maling impormasyon at walang basehang paratang na ipinakalat online.

Binigyang-diin ni Romualdez na kailanman hindi siya nakipag-usap, nakipagpulong, o nakipag-ugnayan sa sinuman kaugnay ng mga pamumuhunan, advisory roles, o anumang desisyong may kinalaman sa pamamahala ng Maharlika Wealth Fund.

Tinawag ni Romualdez na “walang basehan, mapanlinlang, at may malisyosong intensyon” ang mga ulat na nag-uugnay sa kanya sa usapin.

Batay kasi sa kumakalat na ulat ang convicted fraudster na si Patrick Mahoney ay pabalik balik sa bansa dahil nagsisilbi umano itong adviser ng Maharlika Investment Corporation.

-- ADVERTISEMENT --

Iniuugnay din si Mahoney kay dating speaker Martin Romualdez.