-- ADVERTISEMENT --

Pinawalang-sala ng Sandiganbayan Third Division si dating Quezon City mayor Herbert Bautista sa kasong graft.

Nagbunsod ang kaso sa pagkakasangkot nito sa P25 milyon Cygnet Energy Power Asia Inc. para sa paglalagay ng solar power system at waterproofing works sa gusali na pag-aari ng lungsod noong 2019.

Sa desisyon na pirmado ni Associate Justice Ronald Moreno nakita nila na hindi guilty si Bautista dahil sa bigo ang prosecution na mapatunayan ang pagiging guilty beyond reasonable doubt.

Kasabay din nito ay tinanggal na rin ang hold departure order na inilabas sa dating komedyante.

Napaluha na lamang ang dating alkalde matapos na ilabas ang desisyon ng Sandiganbayan.

-- ADVERTISEMENT --

Habang ang kaniyang umanoy kasabwat na si dating administrator Aldrin Cuña ay napatunayang guilty sa graft at hinatulang makulong ng anim hanggang walong taon na pagkakakulong.

Walang civic liability si Cuña na diskwalipikado ng humawak ng anumang posisyon sa gobyerno at hindi na makakatanggap ng kaniyang retirement benefits.

Pinayagan ng korte si Cuña ng provisional liberty at inatasan na ang P90-K na cash bond ay doblehin kung saan may limang araw sila para tumugon sa bond.

Una ng napatunayang guilty sina Bautista at Cuña sa kasong graft na may kaugnayan sa maanomalyang P32-milyon process automation system para sa QC hall.