-- ADVERTISEMENT --

Sinampahan na ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Martes ng kasong plunder at graft laban kay dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Arnell Ignacio at wlalong iba pa.

May kaugnayan ito sa kontrobersyal na pagbili nil ang P1.4 bilyon na lupain.

Sa kasong isinampa sa Office of the Ombudsman, ay inakusahan si Ignacio at dalawang dating deputies nito sa OWWA ganun ang anim na iba pa na siyang nagbenta ng lupa ng malversation of public funds.

Ayon sa DMW na nagbunsod ang kaso sa pagbili ng mga inireklamo ng 1.5 hectare na lupain malapit sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 nitong Setyembre 2024 kung saan ito ay gagamitin para pansamantalang tutuluyan ng mga umuuwing overseas Filipino workers (OFW).

Subalit nakita ng DMW na ang lupain na malapit sa runway ng paliparan ay hindi maaring pagtayuan.

-- ADVERTISEMENT --

Giit din ng DMW na hindi kinunsulta ang board of directors ng OWWA at hindi pinayagan ang pagbili ng lupain, deed of sail at ilang mga kontrata na may kaugnayan sa pagbili ng lupain.