-- ADVERTISEMENT --

Nakatakdang hirangin bilang World Wrestling Entertainment’s Hall of Fame si dating NBA star Dennis Rodman.

Gaganapin ang pag-induct sa dating Chicago Bulls star sa buwan ng Abril 17 sa Las Vegas.

Nagkaroon ito ng professional career sa wrestling noong 1997.

Nagsimula itong lumaban sa WCW at naging miyembro ng nWo.

Noong 1998 NBA Finals ay hindi ito sumali sa ensayo ng Bulls para makadalo sa “WCW Monday Nitro” kasama si Hulk Hogan.

-- ADVERTISEMENT --

Nakaharap nito ang ilang mga malalaking pangalan sa wrestling gaya nina Diamond Dallas Page, “Macho Man” Randy Savage at Lex Luger.

Kabilang si Rodman sa five-time NBA champion sa Bulls na naglaro ng 14 season.

Taong 2011 ng ito ay na-induct sa NBA Hall of Fame .