-- ADVERTISEMENT --

Nakalaya na sa piitan si dating Honduras President Juan Orlando Hernández.

Ito ay matapos bigyan siya ng pardon ni US President Donald Trump.

Nitong Martes ng umaga ng tuluyang makalaya sa high security facility ng USP Hazelton sa West Virginia si Hernandez.

Magugunitang napatunayang guilty si Hernandez noong Marso 2024 dahil sa pagpuslit ng nasa 400 toneladang cocaine sa US at hinatulang makulong ng 45 taon.

Paliwanag ni Trump na nakakatanggap si Hernandez ng hindi tama at mapanakit na komento sa social media.

-- ADVERTISEMENT --

Nagpasalamat naman ang asawa ni Hernandez na si Ana Garcia de Hernandez kay Trump dahil sa ipinataw nitong pardon.

Si Hernandez ay mula sa National Party na nagsilbing pangulo mula 2014 hanggang 2022 at na-extradite ito sa US noong Abril 2022 para sa pagdinig sa kaso nito.