-- ADVERTISEMENT --

Pumanaw ang dating beauty queen na si Sara Jane Paez sa edad na 57.

Kinumpirma ng kaniyang kaanak ang pagpanaw ni Paez nitong Enero 13, 2026 subalit hindi na binanggit pa ang sanhi ng kaniyang kamatayan.

Si Paez ay kinoronahang Binibining Pilipinas-Universe noong 1989 at naging sumabak sa Miss Univers 1989 na ginanap sa Cancun, Mexico.

Sa social media post ng Binibining Pilipinas Charities , Inc. ay binigyang pugay nila si Paez.

Ikinasal si Paez kay Nicky Santiago kung saan mayroon silang dalawang anak na nagtatrabaho na sa ibang bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ilang mga malapit na kaibigan ng beauty queen.