-- ADVERTISEMENT --

Nag-abanse na sa gold medal match sang SEA Games 2025 sa Thailand ang four-time reigning SEA Games champion nga si Eumir Marcial.

Pinatumba ni two-time Olympian ang Vietnamese na si Manh Cuong Nguyen sa men’s boxing 80 kg. finals.

Hindi hinayaan ni Marcial na ipaubaya ang desisyon sa mga judges kaya pinatumba ang kalaban sa 35 segundong natitira sa ikalawang round.

Sinabi nito na hindi niya inaasahan ang knockout dahil sa ginagawa lamang niya ang makakaya at ibinigay ang lakas para manalo.

Makakaharap ng 30-anyos na si Marcial si Indonesian Maikhel Muskita na nagwagi ng gold medal noong 2021 at silver medal noong 2023 SEA Games.

-- ADVERTISEMENT --

Makakasama ni Marcial ang ilang mga Pinoy boxers na lalaban sa gold medal match na sina Flint Jara, Jay Brian Baricuatro at Aira Villegas.