-- ADVERTISEMENT --

Nakaranas ng Russian GPS jamming ang eroplanong sinakyan ni European Commission chief Ursula von der Leyen.

Ayon sa European Commission, nangyari ang insidente habang paparating ang Commission president sa northern Bulgaria.

Ibinunyag ng Bulgarian authorities nakakuha sila ng mga senyales na kagagawan ng Russia ang naranasan nilang interference kung saan agad naman din naman nilang itong napigilan.

Ligtas na nakalapag ang eroplano ng EU president sa Plovdiv Airport kung saan gumamit ng papel na mapa ang piloto dahil sa nagkaproblema ang computer system ng kanilang eroplano.

Sinabi ng European Commission na dahil sa hakbang na ito ng Russia ay nagpapalakas tuloy na marapat na suportahan ng todo ang Ukraine.

-- ADVERTISEMENT --