-- ADVERTISEMENT --

Naghahanda na ang Department of Labor and Eployment (DOLE) sa magiging sa epekto ng 19% US tariff sa mga produktong Pilipino. Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, posibleng maapektuhan ang mga nasa manufacturing sector, kaya’t isinusulong ang Adjustment Measures Program (AMP) para suportahan ang maliliit na negosyo.

Dagdag pa ni Laguesma na ang pagtaas ng taripa ay magpapahirap sa kompetisyon ng mga produkto ng Pilipinas sa pandaigdigang merkado, lalo na’t may ibang bansang mas mababa ang buwis at may direktang access sa supply chain.

Matatandaang inanunsyo ni US President Donald Trump nitong nakaraang linggo na ipapataw ng kanyang administrasyon ang 19% tariff sa mga produktong galing sa Pilipinas—bahagyang mas mababa sa unang anunsyong 20%.

-- ADVERTISEMENT --