-- ADVERTISEMENT --
Nagsalita na sa unang pagkakataon ang US tv star na si Ellen DeGeneres mula ng lumipat ito sa United Kingdom.
Sa kaniyang social media account sinabi nito na kaya siya nagpasya na lumipat sa England ay dahil kay US President Donald Trump.
Mula noon pa ay hindi na ito sang-ayon sa mga programa ni Trump.
Plano din nila ng kaniyang kinakasamang si Portia de Rossi na magpakasal muli sa England.
Itinanggi rin nito na isang gimmick lamang ang pagtatapos ng kaniyang TV show noogn 2022.
-- ADVERTISEMENT --
Si Ellen ay isa sa mga pinakamalaking pangalan sa US TV sa loob ng 30 taon kung saan sumikat din siya sa pagiging host din ng ilang mga sikat na awarding ceremony gaya ng Oscars, Grammys at Emmys.