-- ADVERTISEMENT --

Maagang natapos ang kampanya ni Pinay tennis star Alex Eala sa Guangzhou Open sa China.

Ito ay matapos na talunin siya ni American Claire Liu, 6–2, 4–6, 4–6 sa unang round ng torneo.

Sa simula ng laro ay nakontrol ng world number 53 na si Eala subalit pagpasok ng second round ay doon umatake ang ranked 305 na si Liu.

Hindi na hinayaan ni Liu na makabangon pa ang Pinay tennis star at tinapos ang laro sa loob ng dalawang oras at 28 minuto.

Ang nasabing pagkatalo ay siyang ikatlong unang round na pagkatalo ni Eala sa limang torneo.

-- ADVERTISEMENT --

Babalik si Eala sa court para sa doubles sa Miyerkules, Oktubre 22 kasama si Nadia Kichenok ng Ukraine.