-- ADVERTISEMENT --
Mahaharap ngayon sa isang hamon si Pinay tennis star Alex Eala sa ikalawang round ng WTA 125 Philippine Womens’ Open.
Makakaharap kasi nito si Himeno Sakatsume ng Japan para sa round of 16 ng torneo na gaganapin sa Rizal Memorial Tennis Center ng dakong ala-6 ng gabi.
Ito ang pangalawang pagkakataon na maghaharap ang dalawa kung saan ang unang paghaharap nila ay tinalo ng Japanese tennis player si Eala noong 2023 sa Osaka, Japan.
Hindi naman nagkukumpiyansa ang 24-anyos na Japanese tennis player na nasa ranked 140 dahil sa malaking pagbabago na ang ipinakita ni Eala.
Aminado nito na kakaiba na ang galing ng Pinay tennis star kumpara noong nakaraang taon.
-- ADVERTISEMENT --
Magugunitang tinalo ni Eala si Alina Charaeva ng Russia sa unang round ng torneo.











