-- ADVERTISEMENT --

Isang makabago at makakalikasang teknolohiya ang ipinakilala ng mga Dutch engineers sa pamamagitan ng tinatawag na “living bricks” na tinutubuan ng moss o lumot, na siyang bumubuo ng vertical ecosystems sa mga gusali.

Ang mga makabagong bricks ay sumisipsip ng carbon dioxide at iba pang polusyon sa hangin, kaya’t nakatutulong sa paglaban sa climate change o pagbabago ng klima.
Bukod pa rito, nakakatulong ang moss sa pagpapababa ng temperatura ng mga gusali, dahil sa kakayahan nitong mag-imbak ng moisture, kaya mas malamig ang estruktura sa paligid.

Self-sustaining o kayang mabuhay nang hindi na nangangailangan ng masinsinang pag-aalaga ang mga bricks na ito ay umaasa lamang sa ulan at moisture sa kapaligiran, kayat napapanahon ito para sa mga urban areas na kulang sa green spaces.

Sa Netherlands, isinasagawa na ang mga pilot project sa ilang pampublikong paaralan at mga gusali, kung saan nasusubok ang kakayahan ng mga “living bricks” na maglinis ng hangin at magdagdag ng greenery sa lugar.

Ang teknolohiyang ito ay maituturing na makabuluhang inobasyon sa green architecture, na hindi lamang nagbibigay-ganda sa mga gusali kundi aktibong tumutulong din sa kalikasan—isang hakbang patungo sa mas malinis, mas malamig, at mas luntiang hinaharap para sa mga lungsod sa buong mundo.

-- ADVERTISEMENT --