Mariing itinanggi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Cristina Roque ang isang dokumentong kumakalat sa social media na umano’y naglalaman ng mga concessions ng Pilipinas kapalit ng trade agreement sa Estados Unidos.Philippine tourism packages
Ayon kay Roque, peke ang dokumento at peke rin aniya ang pirma niya dito. Tinawag niya itong gawa-gawa at may masamang motibo, lalo na’t sensitibo ang usapin at kasabay ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Washington D.C. para makipagpulong kay U.S. President Donald Trump.
Ang naturang dokumento, na ipinost ng isang blogger sa Facebook, ay nagsasabing bukas ang Pilipinas sa pagbawas ng taripa sa mga produkto ng U.S., pagpapadali ng pamumuhunan sa langis at gas, at pagbibigay ng priviledge access sa mga mineral resources.
Hinimok ni Roque ang publiko na huwag ipakalat ang dokumento at tumutok na lamang sa opisyal na impormasyon mula sa pamahalaan.
Magugunitang kasama si Roque sa delegasyon ni Pangulong Marcos na nakipagpulong sa mga opisyal ng Amerika para sa negosasyon sa taripa at trade deal.Philippine tourism packages