-- ADVERTISEMENT --
Maghihigpit na ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga online sellers sa bansa.
Ayon sa DTI na mahalaga na lahat ng mga online sellers ay kumuha ng Philippine Trustmark digital badge.
Layon nito ay para mapatunayan na ang kanilang mga produkto ay sang-ayon sa batas na ipinapatupad ng bansa.
Nakasaad ito sa E-commerce Philippine Trustmark na bahagi ng Internet Transactions Act of 2023.
Dagdag naman ni DTI Secretary Cristina Roque na ito ay hindi lamang logo at sa halip ay katiyakan sa mga consumer na ligtas ang kanilang mga nabibiling produkto online.
-- ADVERTISEMENT --