-- ADVERTISEMENT --

Dahil sa posibleng trauma na idinulot ng Super Typhoon Uwan, binibigyang pansin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kalagayang psychosocial ng mga batang apektado, lalo na iyong nasa evacuation center.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, tinitiyak nilang may pagkakataon ang mga bata na maglaro, makipag-ugnayan sa iba, at maipahayag ang kanilang damdamin.

Kaya naman, nagsagawa ang DSWD Field Office-CALABARZON ng mga aktibidad sa gymnasium ng Mauban, Quezon para mabawasan ang trauma ng mga bata dahil sa bagyo.

Kasama sa mga ito ang palaro, art sessions, at storytelling upang magkaroon ng ligtas at masayang kapaligiran para sa mga bata sa evacuation center.

Naglaan din ng mga espasyo para sa kababaihan at kabataan sa mga evacuation center dahil sila ang pinaka-nangangailangan ng proteksyon.

-- ADVERTISEMENT --

Sa datos ng DSWD, 2.7 milyong katao ang apektado ng Bagyong Uwan, at mahigit isang milyon sa kanila ang nasa evacuation center.