-- ADVERTISEMENT --
Patuloy ang pamamahagi ng cash relief assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa transport sector.
Ayon kay DSWD Director Edwin S. Morata, umabot na sa mahigit P1.5 bilyon ang naipamahagi sa 319,678 benepisyaryo sa National Capital Region (NCR), habang higit P1.6 bilyon naman ang naibigay sa 322,577 benepisyaryo sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Dagdag pa ni Morata, nagpapatuloy pa ang payout ng ayuda para sa mga driver sa buong bansa.
Nilinaw rin niya na sa mga rehiyon, tricycle drivers pa lamang ang kasalukuyang tumatanggap ng naturang cash assistance.











