-- ADVERTISEMENT --

Pumalo na sa mahigit P8.4 milyon na halaga ng humanatarian aid ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa probinsya ng Albay para tulungan ang mga pamilya na apektado ng pag-alburuto ng Bulkang Mayon.

Ayon kay DSWD Asst. Secretary Irene Dumlao, ito ay direktang ipinasakamay sa disaster response operation ng local government units.

Tuloy-tuloy din ang kanilang pamamahagi ng tulong lalo na sa mga pamilya na nasa evacuation centers.

Aabot sa 1,100 pamilya o 4,000 na indibidwal ang inilikas at pansamantalang nasa 12 evacuation centers ng probinsya.
Magugunitang nasa Alert Level 3 pa rin ang Mayon Volcano.

-- ADVERTISEMENT --