-- ADVERTISEMENT --

Nagpadala agad ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga family food pack sa mga pamilyang lumikas sa Tipo-Tipo, Basilan dahil sa tensyon sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at mga grupo ng kriminal.

Ayon sa DSWD, unang ipinadala ang 2,500 kahon ng family food packs (FFPs) sa Isabela City, Basilan sa pamamagitan ng RoRo (Roll on-Roll off) vessel.

Ang tulong na ito ay paunang suporta ng DSWD, sa pangunguna ni Secretary Rex Gatchalian, sa lokal na pamahalaan ng Basilan.

Ipamamahagi agad ito sa mga apektadong pamilya upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa pagkain habang may tensyon pa rin sa lugar.

Inatasan na rin ang Field Office 9 sa Zamboanga Peninsula na dagdagan pa ang mga family food pack at iba pang kagamitan na kailangan ng mga apektadong residente.

-- ADVERTISEMENT --