Nagsimula nang gawin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na i-digitize ang kanilang mga system at programa bilang paghahanda para sa 2026, kabilang na ang Automated Crisis Intervention Management System.
Napagalaman na ang bagong system ay magbibigay daan sa real-time monitoring ng mga kliyente, na makakatulong upang maiwasan ang double beneficiaries at mapadali ang pagsubaybay kung nakatanggap na ba ng tulong ang isang kliyente mula sa iba’t ibang DSWD offices.
Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, ang digitalization ay magpapabuti sa monitoring at distribusyon ng tulong pinansyal.
Ilan sa mga pagbabago ay ang paggamit ng e-wallets para sa distribusyon ng tulong pinansyal, kung saan hindi kailangan ang physical payout sites, na kadalasang nagiging sanhi ng mahabang pila at impluwensya sa politika.
Bukod dito magsasagawa din ang DSWD ng online interviews para sa mga hihingi ng tulong, na papalit sa mga physical assessments.
Nabatid na ang hakbang ay upang maging mabilis at accessible ang proseso para sa mga mamamayan.











