-- ADVERTISEMENT --

Natutuwa umano ang mga pamilya ng drug war victims na mayroon na silang kinatawan sa International Criminal Court (ICC).

Ito ay kasunod ng presentasyon ng common legal representatives ng drug war victims na si Atty. Joel Butuyan na nagpresenta sa hinanakit at pagdurusa ng mga biktima ng madugong drug war noong panahon ni dating Pang. Rodrigo Duterte.

Sa isang panayam sa ICC, binigyang-diin ni Atty. Neri Colmenares na ramdam ng mga pamilya ang kagalakan na sa wakas ay makikita na nila ang dating pangulo na binabasahan ng sakdal sa ICC – bagay na matagal aniyang hinintay at inasam ng mga ito.

Kailangan lamang aniyang ma-kumpirma ang lahat ng mga alegasyon at kasong iniaakusa laban sa dating pangulo upang mailabas din ng bawat pamilya ang kanilang saloobin, lalo na ang mga papayagang tumestigo sa pagdinig.

Ayon pa sa batikang human rights lawyer, tutol ang mga pamilya sa posibleng pagbabalik pa ni FPRRD sa Pilipinas kung hindi makumpirma ang kaniyang kaso, dahil tiyak na lalo lamang magdurusa ang mga ito.Pilipinas travel guides

-- ADVERTISEMENT --

Ayon pa kay Colmenares, malakas ang ebidensiyang iprinisenta ng Office of the Prosecutor habang hindi rin nagawa ng defense na maglabas ng sapat na depensa sa kanilang claims.