-- ADVERTISEMENT --
Sinampahan na ng kaso ang driver ni British boxer Anthony Joshua matapos ang madugong aksidente na ikinasawi ng dalawa nitong trainers.
Ayon sa Ogun State Police Command sa Nigeria, na kanilang sinampahan na ng kaso si Adeniyi Mobolaji Kayode, 46-anyos.
Ang mga kasong isinampa dito ay dangerous driving, reckless and negligent driving, driving without due care at driving without valid driver’s license.
Dahil da aksidente ay nagtamo ng bahagyang sugat ang boksingero kung saan makalipas ng ilang araw ay nakalabas na rin ito sa pagamutan.











