-- ADVERTISEMENT --

Binatikos ni dating Senador Franklin Drilon ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) at tinawag niya ito bilang “dead body” dahil sa kawalan ng aksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pag-appointment ng mga kapalit sa mga nagbitiw na miyembro.

Sa isang panayam, sinabi ni Drilon na si retired Supreme Court Associate Justice Andres Reyes Jr. na lamang ang natitirang commissioner ng ICI matapos magbitiw sina Rossana Fajardo noong Disyembre 26 at Babes Singson, 11-araw bago mag-bitiw si Fajardo.

‘Sa akin wala nang silbi yang ICI na yan because of the inaction on the part of the President,’ ani Drillon.

Paliwanag pa ng dating mambabatas na ang mga isyu tulad ng anomalous flood control investigation ay sakop ng mga ahensya tulad ng Ombudsman, Department of Justice (DOJ), at Commission on Audit (COA), at ang ICI daw ay dapat pangunahing nagsisilbing recommending body lamang ng mga nabanggit na ahensya.

Dagdag pa ni Drilon, ang komisyon ay maaaring tuluyang ma-abolish kahit wala pang Independent People’s Commission (IPC) Act, dahil sa kawalan ng kakayahang magsagawa ng operasyon.

-- ADVERTISEMENT --