-- ADVERTISEMENT --

Magpapatupad ang DPWH ng 24/7 traffic management scheme sa tulay na madaraanan na ng mga sasakyang may bigat na hanggang 40 tons simula ngayong araw.

Ito’y matapos pormal nang binuksan nuong Biyernes ni Public Works Sec. Vince Dizon ang Piggatan Detour Bridge sa bayan ng Alcala, Cagayan.

Nabatid na natapos ang pansamantalang tulay nitong December 14, eksaktong 60 araw mula nang inumpisahan ang konstruksyon nito.

Itinayo ang detour bridge matapos bumagsak ang lumang tulay noong Oktubre dahil sa pagdaan ng umano’y overweight na mga sasakyan.

Iniutos ng Pang. Ferdinand Marcos Jr. na tapusin sa lalong madaling panahon ang pagtatayo ng pansamantalang tulay para hindi maantala ang kabuhayan ng mga residente at pampublikong serbisyo sa probinsya.

-- ADVERTISEMENT --