-- ADVERTISEMENT --

Nagpahayag ng pagsuporta ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Employees Union sa direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na isumite at isapubliko ang listahan ng mga flood control project sa bansa.

Maalalang sa ika-apat na ulat sa bayan ni Pang. Marcos ay ipinapasumite niya ang listahan ng mga naturang proyekto na nasimulan at natapos sa loob ng nakalipas na tatlong taon ng kaniyang termino.

Ayon sa DPWH Employees Union, ito ay isang malinaw na pagpapakita ng transparency at accountability sa pagtatayo ng mga pampublikong imprastraktura.

Iginiit ng grupo na ang naturang hakbang ay patunay ng matibay na determinasyon ng kasalukuyang administrasyon na tugunan ang matagal na problema ng pagbaha sa buong Pilipinas.

Naniniwala rin ang grupo na ang naging direktiba ng pangulo ay para mabantayan ang pananagutan, hindi lamang ng DPWH kung ng mga private contractors na kasama sa pagtatayo at pagbuo ng mga naturang proyekto.

-- ADVERTISEMENT --

Kasabay nito ay pinagtibay din ng grupo ang kanilang suporta kay DPWH Sec. Manuel Bonoan sa kaniyang pamumuno sa buong ahensiya.

Tiwala rin ang grupo sa kakayahan ng kalihim na itaguyodf ang programa at mga inisyatibang tunay na makakapaghatid ng pambansang kaunlaran at maayos na kinabukasan para sa bawat Pinoy.

Ayon sa DPWH Employees Union, kasama itong maninindigan para sa maayos, ligtas, at maunlad na Pilipinas.