-- ADVERTISEMENT --
Inanunsiyo ni Department of Transportation (DOTR) Secretary Giovanni Lopez na aprubado na ang fare hike para sa mga traditional at modern jeepney.
Ayon kay Lopez gagawin nang permanente ang kasalukuyang provisional increase na Php 1.00 sa pamasahe ng traditional jeepney at magdadagdag pa ng panibagong Php 1.00 Dahil dito, aabot na sa Php 14.00 ang magiging base fare para sa unang kilometro.
Samantala, pagdating naman sa modern jeepney may dagdag itong Php 2.00. Mula sa kasalukuyang Php 15.00 na base fare ay magiging Php 17.00 na.











