-- ADVERTISEMENT --

Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi tututulan ng kasalukuyang administrasyon ang panukalang across-the-board wage hike sa Kongreso.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, kung maisasabatas ang dagdag-sahod, tungkulin ng kagawaran na ito’y ipatupad. Ito’y matapos kuwestyunin ng ilang labor groups ang kawalan ng banggit tungkol sa wage hike sa State of the Nation of Address o SONA ng pangulo.

Dagdag pa ni Laguesma, maaaring magbigay lamang ng teknikal na mungkahi ang ahensya habang pinag-uusapan ang panukala sa Kongreso.

Sa pagbubukas ng 20th Congress, ilang mambabatas na gaya nina Senators Bong Go, JV Ejercito, Risa Hontiveros at party-list representatives ang naghain ng wage hike bills. Sa ngayon, Php 695 ang minimum wage sa Metro Manila habang Php 411 naman sa BARMM, ito ang itinuturing na pinakamababang pasahod sa buong bansa.

-- ADVERTISEMENT --