-- ADVERTISEMENT --
Isang Doktor patay matapos mahulog ang minamanehong SUV sa tulay sa Baggao, Cagayan
Binawian ng buhay ang isang doktor matapos mahulog sa tulay ang minamaneho niyang SUV sa Baggao, Cagayan.
Ang biktima ay si alyas “Dr. Cabucana,” na kilala sa lugar bilang recipient ng Gintong Medalya para sa Community Development.
Ayon sa mga awtoridad, papunta sana sa Tuguegarao ang doktor nang mangyari ang aksidente.
Ipinahayag na malakas ang ulan at madulas ang kalsada kaya’t diretso ang sasakyan sa gilid ng tulay hanggang sa mahulog ito.
-- ADVERTISEMENT --
Posibleng pagkalunod ang dahilan ng pagkamatay ng biktima, ayon sa paunang imbestigasyon.