Pakikilusin na ng Department of Justice ang National Bureau of Investigation upang imbestigahan ang maanomalyang ‘flood control projects’ ng pamahalaan.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, kanyang pakikilusin ang kawanihan para lubusan matutukan ang pag-iimbestiga sa naturang isyu.
Gagawa aniya sila ng Task-Force o grupo kabahagi ang Anti-Graft Unit nito bilang pagtugon at makatulong panagutin ang mga indibidwal na sangkot sa kontrobersiya.
Dagdag pa ng kalihim, kanilang kukunin miski mga ‘forensic analyst’ na bihasa lalo na sa pagsisiyasat at pagsusuri ng mga ‘financial statements’.
Hinimok naman ng naturang kalihim nang publiko na makiisa rin sa pag-iimbestigang ginagawa ng kagawaran.
Kanyang panawagan na magsumbong ang mga ito sa kanilang tanggapan upang mapanagot ang mga sangkot na indibidwal.
Kaya’t sakaling kapitbahay anila ang mga ito, maaring magbigay ng impormasyon makatutulong sa imbestigasyon.
Habang kanya pang sinabi na magiging parte rin sa grupong tututok sa pag-iimbestiga ay ang ilang miyembro ng civil society.
Aniya’y layon nitong maipakita sa publiko na bukas at mayroong ‘tranparency’ sa kanilang isinasagawang imbestigasyon laban sa korapsyon.
Buhat nito’y nagbigay babala si Justice Secretary Remulla na wala umanong sisinuhin ang kagawaran sa mga indibidwal na madidiskubreng kasabwat sa maanomalyang proyekto.
Lahat aniya’y ng sangkot ay mananagot sa kanilang imbestigasyon kontra korapsyon.