-- ADVERTISEMENT --

Binigyang diin ng Department of Justice na sila’y patas sa isinasagawang imbestigasyon hinggil sa pagkawala ng mga sabungero.

Kasunod ng pagkakasangkot ng ilang personalidad kagaya ng gaming business business tycoon na si Charlie ‘Atong’ Ang, sineguro ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na patas at walang pinapaburan ang kanilang pag-iimbestiga.

Habang kasabay naman nito ang kanyang pagtitiyak na dadaan sa ‘due process’ ang mga reklamong inihain ng mga kaanak ng nawawalang mga sabungero sa kanilang tanggapan.

Kahapon kasi ay pormal ng naghain ang mga ito ng reklamong ‘murder’ at ‘serious illegal detention’ laban sa mga respondents na si Charlie ‘Atong’ Ang pati ang ilan pa nitong mga kasama.

“Fair naman tayo, hindi naman tayo ano eh, we do not condemn without listening. Ang mahalaga due process diba. No person shall be deprived of life, liberty or property without due process of law. Life, liberty or property”, ani Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla ng Department of Justice.

-- ADVERTISEMENT --

Pahayag pa ni Secretary Remulla, na hindi madalian ang pagproseso sa mga reklamong inihain sa tanggapan ng Department of Justice.

Aniya’y dadaan pa ito sa ‘evaluation’ o masusing pagsisiyasat sapagkat mayroon pa raw mga detalyeng kailangan mabigyan kaliwanagan hinggil sa reklamo.

Giit kasi niya na susuriin pang maigi ng Department of Justice ang mga testimonya ng lumantad na mga testigo at maging ang mga ibinahaging pahayag pati ng mga complainants.

Kaya’t bunsod nito’y aminado ang kasalukuyang kalihim ng kagawaran na mahabang proseso ang pagdadaan pa maresolba lamang ang pagkawala ng mga sabungero.

Bagama’t kanyang inamin na ito’y hindi agaran, kanyang pangako naman na kanila itong hindi bibitawan hanggang sa matapos ang naturang kaso.

Sa kasalukuyan ay nahaharap ang negosyanyeng si Charlie Ating Ang at kasama pang iba sa reklamong ‘murder’ at ‘serious illegal detention’ na inihain ng kaanak ng mga nawawalang sabungero sa Department of Justice.

Na siya namang magugunitang pinabulaan na ni Atong Ang ang pagkakasangkot sa naturang isyu.

Kaya’t patuloy pa rin ang pagsasagawa ng DOJ ng kanilang case buildup o imbestigasyon, matukoy lamang ang katotohan sa likod ng pagkawala ng mga biktima.