-- ADVERTISEMENT --

Sanib-pwersa ang Department of Energy (DOE) at Philippine Energy Efficiency Alliance (PE2) para palakasin ang mga inisyatibo nito sa energy efficiency at conservation (EEC) sa bansa.

Tinalakay ng dalawa ang pagpapalawak ng energy service company (ESCO) performance contracts, mas aktibong partisipasyon ng mga lokal na pamahalaan, at pagsusuri sa mga insentibo para sa mga proyektong pangmatagalan.

Ayon kay PE2 President Alexander Ablaza, hindi sapat ang kasalukuyang tax incentives (Tier 1 at Tier 2) upang makaengganyo ng matatag na kita para sa mga long-term EEC projects.

Napag-usapan din ang posibilidad ng pag-integrate ng Energy Efficiency Day ng PE2 sa taunang Philippine Conference for Energy Efficiency and Conservation (PCCEEC) ng DOE, at ang pagsisimula ng tradeable certificates para sa mga proyekto sa carbon market.

Bilang lumalawak na merkado ng ESCO sa Southeast Asia, inilalagay ng Pilipinas ang sarili bilang regional hub, katuwang ang PE2 sa pagbubuo ng Asia-Pacific ESCO Industry Alliance (APEIA) at Global ESCO Network.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, pinangunahan naman ni DOE Secretary Sharon Garin ang delegasyon ng ahensya, habang si Ablaza naman ang nanguna sa PE2. Inaaasahang ang naganap na sanib-pwersa ay magpapabilis sa pagpapatupad ng energy efficiency sa bansa.