Ipinag-utos ni bagong talagang Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon na maghain ng kanilang courtesy resignation ang lahat ng opisyal ng kagawaran.
Si Dizon ang pumalit sa pwesto ni dating Secretary Manuel Bonoan na nagbitiw sa pwesto.
Sinabi ni Dizon na kabilang sa mga pinagre resign ay ang mga undersecretaries, assistant secretaries, division heads, at district engineers. Digital Radio
Magpapatupad din aniya ng polisiya na agarang lifetime blacklisting ban sa mga contractor na mapatutunayang sangkot sa mga substandard projects o mababang kalidad na proyekto, at ghost projects.
Ayon kay Dizon, hindi na dadaan sa proseso at hindi na iimbestigahan ang mga contractor, kapag napatunayan na sangkot sa mga substandard at ghost na proyekto, at isusumite ang report sa itatatag na Independent Commission.
“Ang unang-una ko pong order na ilalabas ay ang pag-order ng courtesy resignations top to bottom: usec, asec, division head, regional director, hanggang district engineer ng buong bansa,” pahayag ni Dizon.
Dagdag pa ng Kalihim, “Iyan po ang unang-unang direktiba ng ating Pangulo. Nag-usap po kami nang matagal kaning umaga at ang sabi niya ‘linisin’ ang DPWH at ito po ang simula.”