-- ADVERTISEMENT --

Bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng Technical Working Group (TWG) na susuri sa lahat ng flood control projects bago ito pondohan at ipatupad sa 2027.

Kasama sa grupo sina DENR Undersecretary Carlos Primo David, flood control expert Guillermo Tabios III, at Project NOAH Executive Director Mahar Lagmay.

Layunin ng TWG na maiwasan ang mga proyektong walang maayos na engineering plan, na itinuturing ni Dizon bilang isa sa mga dahilan ng patuloy na pagbaha sa bansa.

Nag-utos si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng suspensyon sa lahat ng locally funded flood control projects sa 2026 habang nililinis ng DPWH ang mga isyu ng korapsyon at inefficiency.

Tutulong din ang TWG sa pagbuo ng 2027 budget plan ng DPWH at sa pagtukoy ng mga istrukturang dapat gibain kung nakapagpapalala ng pagbaha.

-- ADVERTISEMENT --