Inanunsyo ng Presidential Communications Office nitong Biyernes ang pagtatalaga kay Dita Angara-Mathay bilang pinakabagong kalihim ng Department of Tourism .
Bago ang kanyang paglipat sa ahensya, nagsilbi si Angara-Mathay bilang Commercial Counselor sa Philippine Trade and Investment Center sa Tokyo, Japan.
Sa nasabing posisyon, pinangunahan niya ang pagbuo ng mga strategic partnerships sa iba’t ibang industriya ng naturang bansa.
Ang hakbang na ito ng administrasyon ay nakikitang pagtutok sa aspetong pang-ekonomiya ng turismo.
Binigyang-diin din ng tanggapan na layunin ng gobyerno na ipantay ang turismo sa mas malawak na paglago ng ekonomiya.Balitang Pilipinas
Uupo si Angara-Mathay sa posisyong binakante ni Christina Garcia Frasco.
Kamakailan lamang ay itinalaga si Frasco sa bagong pwesto bilang Presidential Adviser for Sustainable and Resilient Communities.
Matatandaang noong nakaraang Marso, itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si DOT Undersecretary Verna Buensuceso bilang pansamantalang officer-in-charge ng kagawaran habang pinoproseso pa ang paghahanap ng permanenteng pinuno.











