Maraming mga fans ng actress na si Ellen Adarna ang nagtataka matapos na hindi kasama ang asawang si Derek Ramsay sa pagdiriwang ng unang kaarawan ng anak nilang si Liana.
Sa social media account ng aktres ay ibinahagi nito ang mga larawan kuha sa kaarawan.
Kasama dito ang mga kaanak at kaibigan ng akres maging ang panganay na anak nitong si Elias.
Kabilang sa mga kaibigan nitong dumalo ay ang aktres na si Beauty Gonzales.
Bagamat wala ito sa personal ay nagpost ang aktor ng pagbati sa anak nito.
Napuno naman ng panghihinayang ang comment sections ng social media ng aktor kung saan umaasa ang mga ito maaayos nila ang anumang gusot.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay napansin ng mga fans ng dalawa na tila tinanggal na ng actress ang pangalan ng actor sa kaniyang social media account.