-- ADVERTISEMENT --
Plano ng Department of Education (DepEd) na lahat ng mga paaralan ay mayroong internet connection sa pagtatapos ng 2025.
Ito ay matapos ang pagbili ng DepEd ng National Fiber Backbone (NFB) Phase 2 na magibibgay ng panibagong internet connections sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Pinapalakas nito ang bandwithd at access sa mga probinsya at mga government offices kasama na diya ang mga pampublikong paaralan.
Sinabi ni DepEd Secretary Sonny Angara na hindi nila mapapaganda ang kalidad ng edukasyon ng bansa kung walang magandang internet connection ang mga paaralan.
-- ADVERTISEMENT --