Susuriin ng Department of Education (DepEd) ang mas maraming kaso ng umano’y “ghost” beneficiaries sa Senior High School (SHS) voucher program matapos mag-ulat ang Commission on Audit (COA) ng mga insidente kung saan ineligible o hindi totoong estudyante ang nakalista sa Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE)–SHS Voucher Program.
Ayon sa COA, may mga benepisyaryo na nakatala sa ibang paaralan, hindi dumadalo sa klase, o hindi talaga umiiral, na nagresulta sa posibleng overpayment na aabot sa P868,000 para sa school years 2022–2023 at 2023–2024 sa Metro Manila lamang.
Sa gitna ng imbestigasyon, tiniyak ni Sec. Angara na nagpapatupad na ang DepEd ng mas mahigpit na verification process at mahigpit na pagbabantay sa mga paaralan at DepEd level upang maiwasan ang pagkakamali sa database.











