-- ADVERTISEMENT --

Sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang pag-release ng year-end incentives para sa mga kawani nito, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kasama sa incentives ang Service Recognition Incentive (SRI), Productivity Enhancement Incentive (PEI), Collective Negotiation Agreement (CNA) incentive para sa eligible personnel, at gratuity pay para sa mga contract-based workers.

Saklaw ng package ang halos 1 milyon DepEd employees sa buong bansa. Makakatanggap sila P20,000 (SRI) at P5,000 (PEI) ang mga guro at non-teaching personnel, habang ang non-teaching staff ay may dinagdagan ng P10,000 CNA incentive.

Para sa mga nasa contract of service naman at job order workers, ang gratuity pay ay aabot ng P4,000 hanggang P7,000, depende sa haba ng serbisyo.

Ayon sa DepEd, magsisimula ang unang tranche ng SRI ngayong Disyembre na aabot sa P10,000 hanggang P14,500 bawat kwalipikadong kawani, at ang natitirang balance ay ilalabas matapos ang pag-apruba ng modification ng allotments.

-- ADVERTISEMENT --

Ang PEI naman ay layong pataasin ang productivity ng serbisyong publiko, habang ang CNA incentive ay nakatakdang ilabas sa Enero 2026 para sa mga kwalipikadong non-teaching personnel.