-- ADVERTISEMENT --

Binigyang-diin ng mga abogado ng mga biktima ng extra judicial killings na dapat nang itigil ang mga “delaying tactics” na ginagawa ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte upang hadlangan ang pag-usad ng kaso.

Ito’y makaraang pagtibayin ng International Criminal Court (ICC) ang hurisdiksyon nito sa imbestigasyon laban kay Duterte kaugnay ng mga umano’y paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng kampanya kontra droga.

Iginiit ni Atty. Neri Colmenares na sapat na ang ebidensyang naipon ng ICC upang ituloy ang imbestigasyon.

Nanindigan naman ang dating pangulo na wala siyang pananagutan at tinawag na paglabag sa soberanya ng Pilipinas ang hakbang ng ICC.

Pero sa kabila ng pagkalas ng bansa sa Rome Statute noong 2019, pinanatili ng ICC ang hurisdiksyon sa mga krimeng naganap habang miyembro pa ang Pilipinas.

-- ADVERTISEMENT --

Umaasa ang mga biktima na magbubunga ito ng hustisya para sa libu-libong nasawi sa war on drugs.